10 Katangian ng Wika
1. Ang wika ay masistemang balangkas. Ang wikang ginagamit ng bawat tao sa daigdig ay sistematikong nakaayos sa isang tiyak na balangkas.
2. Ang wikang ay sinasalitang tunog. Makabuluhan ang wika sapagkat ito ay nagtataglay ng tunog. Subalit hindi lahat ng tunog ay wika sapagkat hindi lahat ng tunog ay may kahulugan. Sa tao, ang pinakamakabuluhang tunog ay may kahulugan. Sa tao, ang pinakamakabuluhang tunog na nilikha natin ay ang tunog na salita. Ito rin ang kasangkapan ng komunikasyon sa halos lahat ng pagkakataon. Tanging sinasalitang tunog lamang na nagmumula sa tao ang maituturing na wika. Nilikha ito ng ating aparato sa pagsasalita na nagmumula sa hanging nanggagaling sa baga ng nagdaraan sa pumapalag na bagay na siyang lumilikha ng tunog (artikulador) at minomodipika ng ilong at bibig (resonador).
3. Ang wika ay pinipili at isinasaayos. Mahalaga sa isang nakikipagtalastasan na piliing mabuti at isaayos ang mga salitang gagamitin upang makapagbigay ito ng malinaw na mensahe sa kausap. Sa lahat ng pagkakataon, pinipili natin ang wikang ating gagamitin.
4. Ang wika ay arbitraryo. Ang isang taong walang kaugnayan sa komunidad ay hindi matututong magsalita kung papaanong ang mga naninirahan sa komunidad na iyon ay nagsasalita sapagkat ang esensya ng wika ay panlipunan.
5. Ang wika ay ginagamit. Ang wika ay kasangkapan sa komunikasyon at katulad ng iba pang kasangkapan, kailangang patuloy itong ginagamit. Ang isang kasangkapang hindi ginagamit ay nawawalan ng saysay.
6. Ang wika ay nakabatay sa kultura. Paanong nagkakaiba-iba ang wika sa daigdig? Ang sagot ay makikita sa pagkakaiba-iba ng mga kultura ng mga bansa at pangkat. Ito ang paliwanag kung bakit may mga kaisipan sa isang wika ang walang katumbas sa ibang wika. Pansinin natin ang pagkakaiba ng wikang Filipino sa Ingles.
7. Ang wika ay nagbabago. Dinamiko ang wika. Hindi ito maaaring tumangging magbago. Ang isang wika ay maaaring nadaragdagan ng mga bagong bokabularyo. Bunga ng pagiging malikhain ng mga tao, maaaring sila ay nakalilikha ng mga bagong salita.
8. Ang wika ay komunikasyon. Ang tunay na wika ay wikang sinasalita. Ang wikang pasulat ay paglalarawan lamang ng wikang sinasalita. Gamit ito sa pagbuo ng pangungusap. Walang pangungusap kung walang salita.
9. Ang wika ay makapangyarihan. Maaaring maging kasangkapan upang labanan ang bagay na salungat sa wastong pamamalakad at pagtrato sa tao. Isang halimbawa nito ay ang wastong pamamalakad at pagtrato sa tao. Isang halimbawa nito ay ang walang kamatayang akdang "Uncle Tom's Cabin" na isinulat ni Stowe. Dahil sa nobelang ito, nagkaroon ng lakas ang mga aliping itim na ipaglaban ang kanilang mga karapatang pantao laban sa mga Amerikano. Ang salita, sinulat man o sinabi ay isang lakas na humihigop sa mundo. Ito ay nagpapatino o nagpapabaliw, bumubuo o nagwawasak, nagpapakilos o nagpapahinto.
10. Ang wika ay kagila-gilalas. Bagama't ang pag-aaral ng wika ay isang agham, kayraming salita pa rin ang kay hirap ipaliwanag. Pansinin ang mga halimbawa:
a. may ham nga ba sa "hamburger"? (beef ang laman nito at hindi hamo)
b. may itlog nga ba sa gulay na "eggplant"?
thankkkkkkkkkkkkkkkyousomuch
TumugonBurahinBlackjack Online - Play the Best Online Blackjack Casino with a
TumugonBurahinThe online blackjack betting 1xbet korean site is a very good 토토 사이트 choice because the rules are w88 very simple. This means that all 188bet players 토토사이트 in a typical casino will make